top of page
Recent Posts
Featured Posts

Mula po sa Komisyon sa Wikang Filipino (Libreng Seminar sa Korespondensiya Opisyal ng KWF, online na

Sa patuloy na paglilingkod sa panahon ng krisis pangkalusugan, isasagawa na ng Komisyon sa Wikang Filipino ang libreng Seminar sa Korespondensiya Opisyal (SKO) sa online na espasyo para sa mga kawani ng pamahalaan.

Tampok sa SKO ang pagtuturo ng Ortograpiyang Pambansa at paghahanda ng opisyal na korespondensiya gámit ang wikang Filipino.

Magkakaroon ng intensibong pagtuturo sa paggawa ng mga memorandum, resolusyon, liham, at iba pang opisyal na komunikasyon na madalas ginagamit sa serbisyo publiko.

Pagtalima ito sa EO 335 na humihimok sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bílang opisyal na wika ng komunikasyon at korespondensiya sa serbisyo publiko.

Nilagdaan noong 1988 ni dáting Pangulong Corazon Aquino, layunin ng EO 335 na maging instrumento para sa pagkakaisa at kapayapaan ang wikang pambansa tungo sa pambansang kaunlaran.

Kinakailangang magpadala ng liham ang mga interesadong ahensiya sa KWF upang makapagtakda ng petsa at oryentasyon sa pagsasagawa ng online seminar.

Maaaring ipadala ang email sa pinkyjanes10matay@gmail.com o tumawag sa numerong 0915-2864011.


Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page